Thursday, January 27, 2011

Chapter5: Kangkong and Pato : The Untold Story

Soulmate. Isang salitang may malalim na kahulugan sa halos lahat ng kababaihan. Siguro nga, halos lahat sa atin ay pinapangarap na makilala ang taong magamamahal sa atin,at ating mamahalin.

TMAE

Hunyo na.Panahon ng tag-ulan..Mahangin..Madilim ang kalangitan at nagbabadyang pumatak ang mga mumunting butil ng tubig..

Isinara ni Tmae ang bintana, kinuha ang jacket sa kabinet, at isinuot ito. Kahit ano man ang mangyari, kailangan nyang makabili ng Fishbol sa kabilang kalsada. Nagugutom na siya, at natatakot siyang umatake na naman ang kanyang ulcer. Sa kasawiang palad, lahat ng kanyang mga kasama sa bahay a.k.a. mga kaibigan niya ay umalis.

"Manong, limang pisong fishbol nga po", sabi nito.
"Baka kulang sa'yo 'yan Ne, dagdagan mo na", sabi ni Manong.
"Tse!", si Tmae.
Ninamnam ni Tmae ang binili niyang Fishbol habang naglalakad pauwi. Sa wakas, hindi na sasakit ang kanyang tyan,nang....

"Hoooooy! Tumabi ka!!", sigaw ng pedicab driver.
Mabilis ang pangyayari. Sa takot, eh hindi nakagalaw si Tmae. Mababangga na sana siya ng pedicab..malapit na talaga..mga 2 inches nalang...may humarang sa harapan nito!

Isang anghel...na nalaglag sa lupa.

Napakaputi..Napaka..

"Ruel?!!", sambit ni babae.

Tinignan lang siya nito sa mga mata. Titig na nakakatunaw. Titig na may ibig sabihin. (2 words? english? joke!hehe ) At bigla itong NAWALA. Dun na nakita ni Tmae ang butas na gulong ng pedicab.

"Ano..Bakit..Paano..si Ruel", naisip ni Tmae. Nasa kwarto siya sa kasalukuyan at binalikan ang mga pangyayari sa kalsada. Si Ruel ang nakita nya. Siguradong sigurado siya na si Ruel 'yun, dahil hindi siya nakapikit at gising siya.

"Parang nakita ko na ang pangyayaring 'yun ah. Pero..", naisip ni Tmae.
"Ruel is a Vampire! Humaygad!" naisigaw nito sa sarili.

Hindi siya mapakali sa katotohanang nadiskubre. Sa sobrang kaba at gulo ng isip, hindi na niya naubos ang biniling fishbol.

"Paano kung biglain niya kami?! I-massacre?! Kailangan kong maging handa", paglalakas loob nito.
"TOK! TOK!"

" AAAAH! HWAG POOOOO!"

"♫ Jollibee Delivery!♫ 

Binatukan ni Tmae ang sarili sa pagiging praning, at binuksan ang pinto.

"June Mel?! Anong ginagawa mo dito? Bakit naka uniporme ka ng jollibee crew?", si Tmae.

"Alejandro Salmonete po ma'am" , at nagpaalam na ito.

"Teka! 'Yung bayad.." , ngunit natigilan si Tmae ng makita ang puting card na kasama ng pagkain.

 "Kalerky! Para ba talaga sa'ken ito?" natanong ni Tmae sa sarili.
"Tao po! Pakibuksan ang pinto!" boses ni Nico.
Dali-daling itinago ni Tmae ang card at pinagbuksan ng pinto ang mga kaibigan.

"Aba! May Jollibee pala sa ganitong lugar?", tanong ni Ryan J. habang kinakain ang ChickenJoy.
"Hoy! para sa'ken 'yan noh. Galing sa admirer ko", sagot ni Tmae habang hinahanap ang mukha ni Ruel.
"WEH?" sagot ng lahat.
Ayun sya! Huling dumating. Nakakapagtaka nga,karaniwang laging ito ang nauunang pumasok ng pinto.
"Hindi ko talaga akalaing sa lahat ng kasamahan namin, si Ruel pa ang magiging traydor", naisip ni Tmae habang pinagmamasdan ang mga kasamahang nag-aagawan sa pagkain na galing sa kanyang "secret admirer".
"Bakit kaya tingin ng tingin sa aking'yang PATO na 'yan? Alam kayan niya na naghihinala ako? O, may pagnanasa lang talaga siya sa sexy kong katawan?" napaisip nanaman si Tmae.

RUEL

"Alam na kaya niya? Imposible. Naging maingat ako", si Ruel.

-TBC.

xoxo, -c.

credits: chizbred.tumbler.com for the quote
            twilight

No comments:

Post a Comment