Monday, June 21, 2010

Chapter3: Linlang Is The New Black


“DILIM.. Siya ang dati naming pinuno” ang madilim na sagot ng Ninja.

“Isa siyang napakatapang na pinuno.Hindi siya umaatras sa mga ano mang halimaw na namumuhay sa lugar na ito. Isang araw, habang siya ay nasa labanan, naiwan ang kanyang asawa’t anak sa kanilang kubo. Nilinlang ang mga ito at nahulog sa mga patibong ng mga masasamang elementong galit kay Dilim. Isang sumpa ang binigay sa kanyang mag-ina na hanggang ngayon ay hindi pa nakikita. Nalason ang isip ni Dilim dahil sa pangyayaring iyon. Nagising nalang kami isang araw na Linlang na ang pangalan niya at pinuno na siya ng mga aswang.Naniniwala na rin siyang isa sya sa mga ito. Dahil malimit nalang ang mga tao ditto, ang tribo niya ay gutom na gutom na at gagawin nila ang lahat upang makakain lang ng sariwang laman. Linlang ang tawag sa kanya dahil bawat tao na makapunta sa teritoryo nila ay itinuturing nila na parang Hari at Reyna bago kainin. Mabuti nalang at nakita ko kayo.” Ang kwento nito.

“Ang haba naman ng sinabi mo.Joke! Eh,paano yung iba naming kasama? Naroroon pa sila sa gubat!” takot na sabi ni Nico.

“Tayo na, maghanap ulit tayo.” yaya’ ni AC.

“Sandali lang” pagpipigil ng Ninja.

“Ngayong takip-silim na, hindi na kayo pwedeng lumabas. Mapanganib. Alam niyo naman siguro na maraming nakapaligid ditto na kung ano-anong maligno.” Ang sabi pa nito.

“Pero yung mga kasamahan naming.Baka kung ano na ang nangyari sa kanila.”

“’Wag kayong mag-alala. Kung nabihag man ang mga kaibigan nyo, hindi sila maluluto,dahil nandito sa’kin ang pinakamahalagang kagamitan.” Ang Ninja

“Ano yun?” tanong ng lahat.

“Charaaan! Itong mahiwagang kutsilyo! Hindi ito ordinaryo,ito lang ang kutsilyong ginagamit na pangkatay ng tao, wala ng iba pa.” sagot nito.

“Kinikilabutan naman ako sa sinabi mo. Sigurado ka bas a sinasabi mo?”

“Tested and Proven. Walang mangyayari sa kanila. Sige, matulog na kayo.”




Kinaumagahan, ginising ng Ninja ang grupo.

“Gising na at may importante tayong pag-uusapan. May naalala ako kagabi, mayroon palang paraan upang maibalik natin sa tunay na anyo si Linlang at ang iba pa naming mga kasamahan.” Pagsisimula nito.

“Paano?” tanong ng lahat.

“May formula akong nakita na pag-aari pa n gaming mga ninuno. Maaari ko itong subukang gawin ngunit may mga sangkap na kailangang kunin sa iba’t ibang lugar.” Ang Ninja

“Eh, bakit kami pa ang kukuha? Andyan ka naman ah!” ang sabi ni Joevic.

“Gustuhin ko man, ay hindi pwede. Ang trabaho ko ay protektahan ang templo at ang mga tao. Kaya nga humuhingi ako ng tulong sa inyo,kung maari sana.” Pagsusumamo nito habang tinititigan si Joevic. Nagpa cute naman ‘tong isa.

“Sandali ha, pag-iisipan ko muna..OK fine! Oo na.” mabilis na sagot ng baklita habang may blush effect sa mukha.

“Ituring mo nalang itong pagpapasalamat naming sa’yo sa pag-aasikaso mo sa amin ng mabuti at sa pagligtas mo na din.” Sambit ni Nico.




Sa kabilang tribo:

“Prinsesa Shahani,Prinsipe Ryan J, bilang mga pinuno ng tribong ito, ay katungkulan nyong panatilihin ang kapyapaan sa ating lugar.” Paliwanang ng pinuno.

“Alam naming yan.Duh!” si Ryan J.

“Sa kasamaang palad po ay kailangan nyong kunin ang mga sangkap sa formula upang masugpo ang mga aswang. Daang taon na po na nangyayari ito, ang pagsalakay ng mga masasamang elemento.” Ang pinuno.

“Eh marami naman dyan na pwedeng utusan ah.” Galit na sagot ni Shahani.

“Kung aalis po ang ibang myembro ng tribo, at sumalakay ang mga masasmang elemento, tiyak na masasakop nila ang tribong ito kamahalan.” Pagpapaliwanag pa ng pinuno.

“Sige na! Sige na!” pag sang-ayon ng lahat.

Manghihinayang nga naman sila sa mga biyayang matatamo kapag nagpatuloy pa ang ganitong sitwasyon nila.

Sabay na naghanda ang dalawang grupo sa kanilang pakikipag sapalaran. Wala silang kamalay-malay na sila’y tinadhanang magkita-kita.




Pumunta tayo kina Ruel,Tmae at sa baby (na si JunJun). Sa ilang araw na pag-aalaga sa baby ay natuklasan nilang marunong itong magsalita ng kaunti, tulad ng: “teleserye!” “oh c’mon!”,“mama” at “papa”. Isang experemento ang ginawa ni Tmae at ibinigay sa baby ang papel na may sulat. Nagulat ang dalawa ng bigla itong magsalita.

“Si Ruelito Patolito,marunong na bang magbasa” ^_^ ang sabi nito.

“Baw Cristy Mae ang alom mo na karun pukniton ko gid!” napa salita ng Ilonggo si Ruel sa narinig.

“Waaaah! Mama away Papa.huhu”

“Hindi baby,nagbibiruan lang kami. Di ba?” paliwanag ni Ruel.

“Oo baby,di kami nag aaway. Eto ha,hug ko si Mama” sabay binatukan si Ruel.

Tumigil ang bata at unti-unting naka-idlip habang pinapainom nila ng gatas.

“Sana ayos lang sila..” kunot-noong sabi ni Tmae.

“Wag kang mag alala,ayos lang yung mga ‘yun. Nararamdaman ko isang araw magkikita-kita din tayong lahat. Ano sa palagay mo?” tanong ni Ruel .

Nang tinignan niya si Tmae, ay mahimbing na ang tulog nito, nakabuka ang bibig, may tumutulong laway at humihilik. NAGHUBAD SI RUEL AT….
Naghubad si Ruel at ipinatong ang damit sa giniginaw na si Tmae.

No comments:

Post a Comment