Saturday, June 19, 2010
"ALAALA" Chapter1: Simula
Isang grupo ng mga kababaihan at kalalakihan ang nagrepresenta sa kanilang paaralan na pumunta sa Jumon Island. Sila ay mula sa klase ng III-1 ng R.T.N.H.S. Sina Ruel(pato!),CristyMae(pato rin!),Ac(muta!),Joevic(tanda!),Kirk(inensce!),Nancy(asset!),Ryan Janoya(may maidadagdag ka pa ba?),Nico(mommy!)at Shahani(ngek!)O,kilala niyo na sila.
Ngayon pumunta naman tayo sa kwento.Pinadala ang grupong ito upang tignan kung sila ba (na kabataan ngayon)ay makaka-survive sa lugar na tinatawag nilang …..”LUNGSOD NG KAHIWAGAAN”
Sa araw ng kanilang pag-alis,isa-isa silang sinundo patungo sa Airport.
Sa Airport…
“Ano ba naman ‘to bakla,wala man lang akong nakikitang guwapo!”ang inip na sabi ni Joevic.
“Hay bading,kung ako sa’yo,magrerelaks nalang ako!”sabad ni Kirk.
Na-delay kasi ang flight kaya naiinip na lahat lalong-lalo na ang mga “binabae”. Kaya ng makasakay ng eroplano ay excited ang lahat,alam nilang magiging masaya ang “fieldtrip”na ito. Oo nga,pero hindi nila alam kung ano ang naghihintay sa kanila sa …Jumon Island.
Pagbaba nila sa eroplano,ay may nakaparada agad na dalawang van na may banner ng kani-kanilang pangalan.
“I feel like Britney Spears!Thank you people!mwah!mwah!”Pag-iilusyon ni Nancy.
“Uuwi na ako! Mommy!”Ekrat ni Nico.
“Actually, akin ‘to at ang mga taong ‘yan ay mga tauhan ko,kaso binigay ko nalang sa kanila ang airport kasi naaawa ako”pagmamayabang ni milyonaryong Ryan Janoya.
“Cristy Mae, sinusundo ka na ng asawa mo.”Sabi ni Ruel, sabay turo sa driver na kalbo at nakakatakot ang titig.
“Ruel,ikaw ang hinahanap ng mga ‘yan!Pinapatawag ka ,para palitan na daw ‘yang diaper mo!”balik ni Cristy Mae.(ANG DALAWANG ‘TO TALAGA,KAHIT SAAN MAN MAGPUNTA,AWAY NG AWAY!)
“Utot!Tayo na at inip na inip na ang mga driver sa’tin.”ang sigaw ni Ac.
Nahati ang grupo sa dalawa dahil dalawa din naman ang van,’di ba?Sa unang van,na ang nagda-drive ay ‘yung kalbo na ang kamukha ay si “kuba” sa horror movie nakasakay sina Joevic,Kirk,Shahani at Nico.
”Ano ba naman Kirk,bakit dito pa tayo?”bulong ni Joevic.
“Oo nga,sana du’n nalang sa kabila,guwapo pa ang nagda-drive!”sagot ni Kirk.
“Mommy!Mommy!”pangungulit ni Nico.
“Ano ka ba Nico,ang aga-aga,ang ingay ingay!Hindi ako ang Mommy mo,noh!”galit na sabi ni Shahani.
Samantala…sa kabilang van,nakasakay sina Ac,Ruel,Nancy at Ryan J.
“Cris,tignan mo,kamukha ni Sir Bryan ‘yung driver.”sabi ni Ac.
“Oo nga,baka si Sir ‘yan,bago na pala ang trabaho niya?Hehehe.”
Kaya naman napagpasyahan ng dalawa na kausapin ito.
“Mamang driver,ano po pangalan niyo?”tanong ni Ac.
“Bry ang pangalan ko,Yan ang apelyido.Pero ‘di kami magkamag-anak ni Rico Yan.”sagot nito.(corny!corny!corny!)hahaha
“Alam niyo,kamukha po ninyo yung isang titser du’n sa’min,as in carbon copy.”
“Mula kayo sa Negros ‘di ba?’Di pa ako nakakapunta du’n at dito ako ipinanganak at lumaki.”sagot nito.
Nagkatinginan nalang ang dalawa.
Nang dumating na sila sa isang lumang bahay…
“Haaay!Salamat!Carefree at last.”pasalamat ni Kirk.
Sa kabilang van naman,bago sila makababa ay may sinabi si Bry Yan.
“Siguraduhin niyo na hindi kayo magkakahiwa-hiwalay.Huwag kayong pumunta sa mga lugar na bawal.”ganun lang ang sinabi at tumahimik agad ito.Nagpasalamat naman ang grupo at ang dalawang sasakyan ay umalis na.
Sa unang tingin mo sa bahay ay maninindig talaga ang balahibo mo,parang may kahiwagaang bumabalot rito.
Isang matandang babae na bungi at may napakahabang buhok ang bumukas ng pinto.
“Tuloy kayo mga bata,ituring niyong inyo ang bahay na ito.”ang sabi ng matanda.
“Manang,gusto niyong magpa-hairdo?Marunong po ako.Hali kayo at gupitan natin ‘yang buhok niyo.”sulpot ni Joevic.
Tumalim ang mga mata ng matanda , pero pagkalipas ng ilang sandali ay lumambot din.
“Huwag na apo,wala akong pambayad.”
“Hay naku,’wag niyo nang problemahin iyon! Fifty pesos lang po!”pangungulit nito.
Hindi siya pinansin ng matanda.Nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa kusina.
”Kumain na kayo,at mamaya ay ipapakita ko sa inyo kung saan kayo matutulog.”sabi nito.Isang kuwarto lang ang ibinigay dahil”harmless” naman daw ang mga lalake.
Isang araw ang lumipas,maayos naman ang naging lagay nila.Ngunit kinagabihan…
“People!May nadiskubre ako.Yung toilet paper pala sa banyo,’pag na i-push mo ay may lagusang lumalabas.Punta tayo du’n!”yaya ni Shahani.
“Cge!”sagot nina Nancy,Cristy,Joevic,Kirk,Ryan J. at Ruel.
“Ayoko,natatakot ako eh.”ang sabad naman ni Ac.Tumango din si Nico.
"Dapat nga face your fears!Gusto mo tawagin ko pa si *tooot*?”ang sabi ni Nancy.
“Ok,fine!Pero ‘wag niyo akong sisihin kapag may nangyaring masama ha!”
At umalis ang grupo patungong banyo.Nang papasok na sila….
“Ano’ng gagawin niyong lahat diyan sa banyo?”ang biglang pagsulpot ng matanda.
”Ah,eh,manang experiment po namin kung magkakasya kaming lahat sa ganyan kalaking banyo..Mali nga po kami e, matutulog nalang kami.”pagsisinungaling ni Ryan J.
“Sige,nang sa ganun ay maaga pa kayong magising.Managinip sana kayo ng maganda.”pagkasabi nito ay humalakhak ang matanda.
Pagdating sa kuwarto….
“Duh!That matanda is so weird ha!Isama mo pa ‘tong bahay na’to!sabi ni Ac.
“Alam mo,wala kang sense for adventure!Mabuti nga ‘to exciting!Heeee!”sabad naman ni Kirk.
“Teka,alam niyo,napapansin ko lang ha,inaagawan niyo ako ng linya eh!Wala na akong masabi.”reklamo ni Nico.
”Pano,mommy ka nlang ng mommy dyan eh!Grow up!”depensa ni Cristy Mae.
“Basta,hindi tayo titigil hangga’t hindi natin nadidiskubre kung saan patungo ‘yung lagusan.”ang determinadong sabi ni Ruel.
Nagtipon-tipon ang grupo at gumawa ng plano.
Kinaumagahan,may ‘di inaasahang pngyayari.Nasa kagubatan ang grupo(sa likod ng bahay,malayo-layo nga lang ng konte) nagtatanim sila ng mga punong kahoy ng…
“Look.it’s a plane!”sabi ni kirk.
“No.it’s a bird!”balik ni Nancy.
“No,it’s…it’s…it’s
“They don’t knoooowww…”isang tinig ang narinig.
“Michael!” sigaw ng lahat.
“Excuze me, I am Presideeeent Glow-rya Arro-ro!” tumakbo si Michael sa mga kasamahan at nagtatatalon silang lahat.
“Pinilit nila akong sumunod dito,dahil kulang pa daw kayo ng isa.”paliwanag ni Michael.
Kaya naki-join ito sa tropa.Kinagabihan…ginawa ang plano.Tiniyak nilang wala ang matanda.Pumunta ito ng palengke upang mamili ng ipangluluto para sa susunod na araw.Napagkasunduan ng grupo na si Ruel ang mamuno.nakapasok nga sila sa lagusan,isang madilim na ‘tunnel’ ang tumambad sa kanila.Dahil wala silang dalang flashlight,kinapa nalang nila ang pader.
“Aray!sino ba ‘yang naka-apak sa paa ko?”ang galit na tanong ni Crity Mae.
“Ay,sorry.Ako ‘yun.”Hiyang sabi ni Nico.”Ayos ka lang ba Cris?”pag-aalalang tanong ni Ruel.
”Uuuuyyy!Kayong dalawa ha!Nagkaka-developan na”panunukso ni Ac.
”Tse!”galit na sabad ni Cristy Mae.
Hindi man nakikita sa dilim ngunit pinamulahan ng mukha ang dalawa.Nakarating sila sa dulo at isang lumang pinto ang nakita nila.Binuksan ito ni Ruel at pumasok silang lahat.Nabigla sila ng makita kung sino ang naghihintay…Ang matandang babae!!
“Kanina ko pa kayo hinihintay.Napatunayan ko na ang mga kabataan ngayon ay puno ng kuryosidad.Pagsubok ang hinihingi niyo? Puwes,ibibigay ko sa inyo.” Ang sabi nito.
Tinangka ni Nico na buksan ang pinto ngunit ang pintong kahoy ay naging apoy.
“Wala na kayong magagawa kundi ang pumayag sa aking pagsubok.”
“Waaaahhhh! Isusumbung kita sa mommy ko!” iyak ni Nico.
“Kung makakalabas ka pa rito,Rico.”ang sabi ng matanda.
“La,Nico po.” (McDo commercial.. La.karen po)
“Sige,pumapayag na kami.” Ang sagot ni Ruel.
“Ruel pumapayag ka na? huwag kang maniwala sa matandang ‘yan! Aswang siya!” sulpot ni Nico.
“He!Stop that nonsense!Anyways,sa likuran ko ay may tatlong pinto.Isa sa mga ‘yan ang labasan.Ang dalawa naman ay tungo sa katapusan.Pumili na kayo.”
Nagtipon-tipon ang tropa at nag usap-usap.
“Napagkasunduan naming piliin ang pinto sa gitna.”
“Sige,ngayon,pumasok na kayo.Goodluck.”pahabol ng matanda.
Pero bago pumasok ay nasabi ni Ruel…
“No guts,no glory.Kaya natin ‘to!” at nagpatuloy nga sila.
Nasa isang kagubatan na sila ng makalabas ng pinto.
“Tamang pinto kaya ‘to?”tanong ni Ac.
Nang tumalikod sila ay nawala nalang bigla ang lagusan. Wala silang nagawa kundi maglakad hanggang makakita ng puwedeng hingian ng tulong.Sumapit ang tanghali…
“Ayoko na!Maawa kayo,pagod na’ko!Magpahinga muna tayo!” angal ni Joevic.
Nagpahinga sila sa tabi ng isang malawak na lawa.
“Anong plano ngayon?tanong ni Michael sabay hagis ng bato sa lawa
“PLOP!CLICK!” (lesson ta ky sir mendones)hehe
Lumiwanag ito.Nang dumilat sila ay mayroon nang babae na nakatayo sa gitna ng lawa.
“Bakit niyo ginulo ang beauty rest ko? Tanong ng babae.
“JOAN???!!!” sigaw ng lahat.
“Anong joan?Ako sa Yume.Tagapagbantay ng lawang ito.”sagot ng babae.
“Patawad,kamukha mo kasi yung isang kaklase namin.”ang sabi ni RJ.
“Kailangan kasi naming ng gabay,kung paano makaka-alis sa gubat na ito.Para malaman namin kung tama ba ang pintong nilabasan namin.” Pagsusumamo ni Nancy.
“Hindi niyo ba alam na ang nakakapasok sa lugar na ‘to ay hindi na nakakalabas?” tanong ng diwata.
“Ok,dahil ako ay mabait,sundan niyo ang daanang ito.” Itinuro niya ang isang madilim at masalimuot na daan.
“Ngunit mag-ingat kayo dahil hindi lahat ng daanan ay madali.Tandaan niyo ‘yan.”
At naglaho ito…Sa pagpapatuloy nila,nakasalubong sila ng isang matandang babae.Umuungol ito na para bang humihingi ng tulong.
“Mga anak,tulungan niyo ako.Sinalakay ako ng isang hayop.”
Pinakita nito ang napakalaki at madugong sugat.(“Ang yuck naman nitong si manang,ipakita ba naman ang duguang sugat.”)bulong ni Kirk).Dahil naawa sila,tinulungan nila ang matanda at pinakain ito.Pagbalik nila mula sa pangangahoy,ay wala na ito.
“Ano ba naman ‘yun’wala man lang utang na loob!” si Kirk nanaman.
“Hayaan niyo nalang siya….. Makakatikim sa’kin ‘yung matandang ‘yun eh!Tinapay ko pa ‘yung kinain! Walanghiya! Pigilan niyo ko,pigilan niyo ‘ko,hahanapin ko talaga ‘yun.” Sabi ni Michael. Nang walang pumigil ay tumahimik ito.
“Puwede na siguro tayo dito magpalipas ng gabi.”
Gumawa sila ng apoy at inihanda ang kani-kanilang higaan.Mabuti nalang paglabas nila sa pinto/portal ay may dala-dala na silang mga bagahe. Napakahiwaga talaga ng lugar na ‘to.Hindi akalain ng ating mga bida na mangyayari ito sa kanila.Nakatulog ang grupo sa gitna ng kanilang pag-uusap. Hatinggabi…
“Awwwoooohhh!!!”
Maririnig mo ang awwwooohhh ng isang lobo.Alam naman nating lahat na si Ac ang pinakamatatakutin sa grupo.Nagising siya.Matutulog na sana siya uli ng. . . . .
“Huhuhu. . . .”
May narinig siyang iyak ng isang babae.Sinundan niya ito.Nakarating siya sa isang malaking puno ng balete. Nakita niya na may isang babae na nagtatago.Nang tignan niya ito. . .
“Lyka???!!!!” Napatawa lang si Ac ng makita kung sino ang babae.
“Where’s my baby?!Give my baby back!” sigaw nito.(piece ni Lyka sa english4, kay ms.marba)
“Lyka,kung gutom ka,sabihin mo lang ! ‘Di mo na kailangang umarte noh.Sumunod ka rin pala.Mabuti nalang at nakita kita.” Ang sabi ni Ac.
“Give me my baby!” sigaw uli nito.
Nang lalapit na si Ac,biglang naningkit ang mgaq mata nito at si “LYKA” ay na ging nakakatakot na halimaw.
“Aaaahhhhh!” sigaw ni Ac ng damputin siya ng halimaw.
“Lyka naman parang others ka,wala naming halloween party dito nagdala ka pa ng costume! Hubarin mo na ‘yan.Mamaya makita ka ni papa Roger na ganyan ang itsura.” Pagpapatuloy ni Ac.
“Ay.oo nga pala.May date pa nga kami.Salamat sa pagpapa-alala.” sabi nito at bumalik ito sa tunay na anyo at umalis.
“Swwiiisssshhhhh!” isang ispada ang tumama sa kahoy. Isang. . . .NINJA ang nagligtas sa kanya!
Lumapit siya kay Ac at. . .
“Ayos ka lang ba?” tanong nito.
“Oo.Actually,wala na ang halimaw eh.Kanina pa umalis.May date.” Sabi ni babae.
“Ah. . . Hehe.”Napakamot nalang ito sa batok.
“Hindi ka dapat gumagala sa lugar na’to kapag nag-iisa ka lang.Lalo na kapag gabi.Pero tandaan niyo na kapag kayo’y nasa kagipitan,laging may tulong na darating.Mababait kayong mga nilalang,alam ko.”tapos ay umalis na ito.
Naiwan siyang nakatunganga.At biglang dumating ang kaniyang mga kasama.
“O,anong nangyari sa’yo?” tanong ni Ruel.
“Aaaaayyyy!” sigaw ni Nancy.
“Ikaw ba ang pumatay nyan?” pagkamanghang tanong ni Shahani.
“Hoy,hindi ah…’yung Ninja ‘yung may kasalanan.” Sagot ni Ac.
“Bakit niyo naman ginanyan ‘yung puno?It’s hurts in them.” Sabi ni Nancy.
“Eh bakit nakatunganga ka pa diyan?” tanong ni RJ.
“Kasi…kasi…hindi ko man lang nakita ‘yung mukha niya!Waaahhh!Alam niyo,ang cute pa naman ng mga mata niya!Hindi ko man lang nalaman name niya!Ninja kasi siya.Alam niyo ‘yun,you know!” si Ac
“Hay,mahirap talaga ‘pag kabilugan ng buwan.Nagiging sira ulo ang mga tao dito.” Sabi ni Nico.(nagkalinya gd man xa sa story ba!)
At naghanda nalang ang grupo para sa muling paglalakbay.
Dapit hapon. . . Magkasamang naghanap ng pagkain sina Shahani,RJ,Nancy at Kirk.Ngunit sa kanilang paghahanap ay nabihag sila ng mga nilalang na hindi nila alam kung mga tao.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment