It was all too good to be true
The sound of your laughter,the twinkle of your eyes
He didn't know you'd come along
It was the least he expected
He was clueless when it all began
Seeing you was like smelling spring
Suddenly,he was surrounded by flowers in full bloom
It was like being sprayed with expensive perfume
If only you could see,
How much you mean to his world
If only you could hear
The beating of his heart
He wants you to open your eyes
He wants you to open your heart
And then,maybe...
Monday, June 21, 2010
NUMB [09.13.09]
No,she won't cry
Not now,never
Coz now, she knows
You'll never be worthy enough
She may seem weak
And fragile or frail
But look deep in her eyes
And you'll see the strong girl that she really is
It's your loss,yes it's your loss
But then again,you have no idea
Poor you,poor,poor you
She hopes it's killin' you
You kept her hangin'
It stayed in her memory
You should've been sorry
You think you are
Hello to reality,boy!
It's over.
Yes,one more time..
It's over.
-another one of my song-to be. To no one in particular :P
Not now,never
Coz now, she knows
You'll never be worthy enough
She may seem weak
And fragile or frail
But look deep in her eyes
And you'll see the strong girl that she really is
It's your loss,yes it's your loss
But then again,you have no idea
Poor you,poor,poor you
She hopes it's killin' you
You kept her hangin'
It stayed in her memory
You should've been sorry
You think you are
Hello to reality,boy!
It's over.
Yes,one more time..
It's over.
-another one of my song-to be. To no one in particular :P
Where Are You? [10.07.09]
I can't seem to find the right words to say
It's been years,but still you're not here 'til today
A feeling of longing surpasses my heart
A feeling of sadness,of pain,of being apart
I don't even know if you exist
All I have is this feeling that you do
That one day,in this crazy world,
You will find me whatever way you could
So,where are you? where are you?
Will you ever come for me?
Will you hold my hand until I fall asleep
And feel safe with you around?
I need to know now, I need an answer
Coz it's not easy hoping for a thing you're not even sure of
I feel my heart ache,I feel it breaking
When will you end this longing?
I hope you hurry,coz time is running
I am tired of always waiting
Come on now,stop hiding
And let's have a love that's neverending..
Come on now...
-This was supposed to be a song,but dunno how to put melody,etc. :P
It's been years,but still you're not here 'til today
A feeling of longing surpasses my heart
A feeling of sadness,of pain,of being apart
I don't even know if you exist
All I have is this feeling that you do
That one day,in this crazy world,
You will find me whatever way you could
So,where are you? where are you?
Will you ever come for me?
Will you hold my hand until I fall asleep
And feel safe with you around?
I need to know now, I need an answer
Coz it's not easy hoping for a thing you're not even sure of
I feel my heart ache,I feel it breaking
When will you end this longing?
I hope you hurry,coz time is running
I am tired of always waiting
Come on now,stop hiding
And let's have a love that's neverending..
Come on now...
-This was supposed to be a song,but dunno how to put melody,etc. :P
Chapter3: Linlang Is The New Black
“DILIM.. Siya ang dati naming pinuno” ang madilim na sagot ng Ninja.
“Isa siyang napakatapang na pinuno.Hindi siya umaatras sa mga ano mang halimaw na namumuhay sa lugar na ito. Isang araw, habang siya ay nasa labanan, naiwan ang kanyang asawa’t anak sa kanilang kubo. Nilinlang ang mga ito at nahulog sa mga patibong ng mga masasamang elementong galit kay Dilim. Isang sumpa ang binigay sa kanyang mag-ina na hanggang ngayon ay hindi pa nakikita. Nalason ang isip ni Dilim dahil sa pangyayaring iyon. Nagising nalang kami isang araw na Linlang na ang pangalan niya at pinuno na siya ng mga aswang.Naniniwala na rin siyang isa sya sa mga ito. Dahil malimit nalang ang mga tao ditto, ang tribo niya ay gutom na gutom na at gagawin nila ang lahat upang makakain lang ng sariwang laman. Linlang ang tawag sa kanya dahil bawat tao na makapunta sa teritoryo nila ay itinuturing nila na parang Hari at Reyna bago kainin. Mabuti nalang at nakita ko kayo.” Ang kwento nito.
“Ang haba naman ng sinabi mo.Joke! Eh,paano yung iba naming kasama? Naroroon pa sila sa gubat!” takot na sabi ni Nico.
“Tayo na, maghanap ulit tayo.” yaya’ ni AC.
“Sandali lang” pagpipigil ng Ninja.
“Ngayong takip-silim na, hindi na kayo pwedeng lumabas. Mapanganib. Alam niyo naman siguro na maraming nakapaligid ditto na kung ano-anong maligno.” Ang sabi pa nito.
“Pero yung mga kasamahan naming.Baka kung ano na ang nangyari sa kanila.”
“’Wag kayong mag-alala. Kung nabihag man ang mga kaibigan nyo, hindi sila maluluto,dahil nandito sa’kin ang pinakamahalagang kagamitan.” Ang Ninja
“Ano yun?” tanong ng lahat.
“Charaaan! Itong mahiwagang kutsilyo! Hindi ito ordinaryo,ito lang ang kutsilyong ginagamit na pangkatay ng tao, wala ng iba pa.” sagot nito.
“Kinikilabutan naman ako sa sinabi mo. Sigurado ka bas a sinasabi mo?”
“Tested and Proven. Walang mangyayari sa kanila. Sige, matulog na kayo.”
Kinaumagahan, ginising ng Ninja ang grupo.
“Gising na at may importante tayong pag-uusapan. May naalala ako kagabi, mayroon palang paraan upang maibalik natin sa tunay na anyo si Linlang at ang iba pa naming mga kasamahan.” Pagsisimula nito.
“Paano?” tanong ng lahat.
“May formula akong nakita na pag-aari pa n gaming mga ninuno. Maaari ko itong subukang gawin ngunit may mga sangkap na kailangang kunin sa iba’t ibang lugar.” Ang Ninja
“Eh, bakit kami pa ang kukuha? Andyan ka naman ah!” ang sabi ni Joevic.
“Gustuhin ko man, ay hindi pwede. Ang trabaho ko ay protektahan ang templo at ang mga tao. Kaya nga humuhingi ako ng tulong sa inyo,kung maari sana.” Pagsusumamo nito habang tinititigan si Joevic. Nagpa cute naman ‘tong isa.
“Sandali ha, pag-iisipan ko muna..OK fine! Oo na.” mabilis na sagot ng baklita habang may blush effect sa mukha.
“Ituring mo nalang itong pagpapasalamat naming sa’yo sa pag-aasikaso mo sa amin ng mabuti at sa pagligtas mo na din.” Sambit ni Nico.
Sa kabilang tribo:
“Prinsesa Shahani,Prinsipe Ryan J, bilang mga pinuno ng tribong ito, ay katungkulan nyong panatilihin ang kapyapaan sa ating lugar.” Paliwanang ng pinuno.
“Alam naming yan.Duh!” si Ryan J.
“Sa kasamaang palad po ay kailangan nyong kunin ang mga sangkap sa formula upang masugpo ang mga aswang. Daang taon na po na nangyayari ito, ang pagsalakay ng mga masasamang elemento.” Ang pinuno.
“Eh marami naman dyan na pwedeng utusan ah.” Galit na sagot ni Shahani.
“Kung aalis po ang ibang myembro ng tribo, at sumalakay ang mga masasmang elemento, tiyak na masasakop nila ang tribong ito kamahalan.” Pagpapaliwanag pa ng pinuno.
“Sige na! Sige na!” pag sang-ayon ng lahat.
Manghihinayang nga naman sila sa mga biyayang matatamo kapag nagpatuloy pa ang ganitong sitwasyon nila.
Sabay na naghanda ang dalawang grupo sa kanilang pakikipag sapalaran. Wala silang kamalay-malay na sila’y tinadhanang magkita-kita.
Pumunta tayo kina Ruel,Tmae at sa baby (na si JunJun). Sa ilang araw na pag-aalaga sa baby ay natuklasan nilang marunong itong magsalita ng kaunti, tulad ng: “teleserye!” “oh c’mon!”,“mama” at “papa”. Isang experemento ang ginawa ni Tmae at ibinigay sa baby ang papel na may sulat. Nagulat ang dalawa ng bigla itong magsalita.
“Si Ruelito Patolito,marunong na bang magbasa” ^_^ ang sabi nito.
“Baw Cristy Mae ang alom mo na karun pukniton ko gid!” napa salita ng Ilonggo si Ruel sa narinig.
“Waaaah! Mama away Papa.huhu”
“Hindi baby,nagbibiruan lang kami. Di ba?” paliwanag ni Ruel.
“Oo baby,di kami nag aaway. Eto ha,hug ko si Mama” sabay binatukan si Ruel.
Tumigil ang bata at unti-unting naka-idlip habang pinapainom nila ng gatas.
“Sana ayos lang sila..” kunot-noong sabi ni Tmae.
“Wag kang mag alala,ayos lang yung mga ‘yun. Nararamdaman ko isang araw magkikita-kita din tayong lahat. Ano sa palagay mo?” tanong ni Ruel .
Nang tinignan niya si Tmae, ay mahimbing na ang tulog nito, nakabuka ang bibig, may tumutulong laway at humihilik. NAGHUBAD SI RUEL AT….
Naghubad si Ruel at ipinatong ang damit sa giniginaw na si Tmae.
Chapter2: Master Junjun
Samantala. . . Naiwan naman sina
Ac,Nico,Michael,Joevic,Ruel at Cristy Mae.
“Bakit kaya ang tagal ng mga ‘yun?”
tanong ni Joevic.
“Mukhang alalang-alala ka sa kanila
ah. . . “ sabi ni Nico.
“Hindi,gutom na kasi ako eh.” Sagot ni
Joevic.
Dalawang oras ang lumipas,hindi pa rin
bumabalik ang apat.
“Sundan kaya natin sila? Nag-aalala
na’ko eh.” Kinakabahang sabi ni Michael.
“Sige.” Sang-ayon ng lahat
Kaya umalis sina Ac,Nico,Michael at
Joevic.Nagpaiwan naman sina Cristy Mae at Ruel.Ilang minuto ang lumipas,hindi
pa rin nakikita sina Shahani,Ryan J,Nancy at Kirk.Hanggang sa makarating sila sa
pinakamadilim na bahagi ng gubat.Pumasok sila dito upang tignan kung nandoon
ang kanilang mga kasamahan.Nang nasa kalagitnaan na sila. . .
“Eeek.eeek,eeek,eeek,eeek!”
Isang tinig na nakakapanindig balahibo
ang kanilang narinig.At mula sa sulok ay lumabas ang isang nilalang na kalahating tao,at kalahating paniki.
“May mga bisita pala ako.Salamat naman
at hindi ko na kailangang maghanap ng pagkain.” Ang sabi nito.
“Gusto mo ng white rabbit?Meron kami
dito!O kaya naman ay clorets?” pagpapatawa ni Michael.(as usual,corny!haha)
Ngunit lumapit pa rin ang halimaw.
“Guys,may napulot akong mahiwagang bato
kanina! Sandali at itetesting ko!” ang sabi ni Joevic.
Nilunok niya ang bato at sumigaw ng. .
. . . . “DARNA!” ngunit costume ni Batman ang lumabas.
“Ay,mali.” Sabi nito.
“Isang sayaw lang ‘yan!” ang sabi naman
ni Michael.
Sinayawan niya ang halimaw ng “CALL-BOY
DANCE” habang kinakanta ang “THEY DON’T KNOOOOOWWWW!” ngunit wala pa ring epek.
“Hehehe.” Ang tawa ng halimaw
“Swwiiissshhhh” dumating na naman
‘yung NINJA.
“Huwag kaibigan,hindi sila mga
kaaway! Heto,dinalhan kita ng pagkain.”
“Salamat.” ang sabi ng halimaw at natuwa ito.
Pagharap ng Ninja. . . . .
“Everybodyaaaaaahhh! Wala ba kayong mga
kamay ?” CLAP!CLAP!CLAP! (Palakpakan para hindi mahuy-an!)
“Ay tanda!” ang nasabi ni Joevic ng
makita ito.
“Sinabing ‘wag kayong gumala sa
madidilim na lugar eh.’Di ba sinabi ko sa’yo ‘yun?” binalingan niya si Ac.
“Siya ‘yun!” nasabi naman ni babae kay
Nico.
“Sige,halina kayo at dadalhin ko kayo
sa templo.” Yaya nito.
Habang nakaligtas sa kapahamakan ang kanilang mga kaibigan,bored na bored naming naghihintay sina Ruel at Tmae.
“Bakit wala pa sila?” tanong ni Cristy
Mae.
“Aba,malay
ko!” sagot ni Ruel.
“Ikaw talaga Ruel,kinakabahan na nga
ako,nang-aaway ka pa!” bulyaw ni babae.
“At ako,hindi?” balik ni lalake.
“Pato!Pato!Ruel” sigaw ni babae.
“Kangkong si
Cristy Mae!” balik ni lalake.
Natigilan
lang sila ng marinig ang iyak ng isang sanggol.
“Uhaaaaa!Uhaaaaaa!”
“Ano
‘yun?Tignan natin!” for once ay nagkasundo sila.
Isang cute na cute na batang lalake ang
kanilang nakita.Ito ay nakalagay sa isang basket na parang pugad.Nakalagay sa
kanyang bib ang salitan “Jun-Jun”. Kinuha siya ni Cristy Mae at inaliw.
“Uuuuyyy! Baby!kuchi,kuchi! ’Wag
na iyak!” ngunit lalong umiyak ang bata..
“Hahaha! Nakita mo
na? Natatakot sa itsura mo ‘yang baby.” Ang sabi ni Ruel.
Ngunit
ng makita siya ng bata ay kumislap ang mga mata nito.
“Mama?” ang
kamay niya ay itinuturo kay Ruel,nagpapakarga.
“Hahah! Mama!”sabay
turo kay Ruel.
“Papa!” turo
naman kay Cristy Mae.
“Ngeee!!Hindi
ako lalake noh!Di ako bakla! kla kla kla kla.” Kanta nito.
“Hindi
bagay sa’yo! Maawa ka sa bata,wala tayong payong!” ang sabi ni Ruel.
Kaya
dinala nila ang bata sa kanilang puwesto.Ilang sandali pa ay may napansin si
Cristy Mae.
“Ruel,halika
nga dito at may ipapakita ako sa’yo.” Utos ni Cristy Mae.
Ipinakita
niya ang kulay asul na diamante sa noo nito.Tinusok-tusok ito ni Cristy Mae,at.
. . .
“Boom!”
Umusok
ang paligid.Nang mawala ito. . .
“Ahu!Ahu!”
isang lalake ang lumabas.
“Sino ka?”
tanong ni Ruel.
“Teka, namumukhaan kita ah??? Ikaw ‘yun eh,yung bida sa video na One Last Cry? Green..Oo..Ares Green!!!”
“Hindi po
ako si Ares.” Ang sabi nito sa maliit na tinig.
“Ako si. . .
. Ehem! ..Meow,Bow Wow! Ang pinaka-magaling na yayo sa buong daigdig.”
Biglang
may pumasok na mga ati-atihan at kumanta ng “Yayo. .Yayo. . . Yayo,go go go!”..
“Sige,tapos
na intermission number. niyo.” Pagpapalayas nito.
“Ako ang
tagapangalaga ni master “Jun-Jun”. Ngunit sa kasamaang palad,hindi na ako ngayon
makaaalis sa diyamanteng ‘yan.Dahil wala na kami sa aming teritoryo.Kaya
iniiwan ko na sa inyo ang responsibilidad.Alagaan nyo sya,dahil sya ang ‘the one’ and he will grow up to do ” Great Things” (daw harry potter ba) HUHUHU,sige,paalam!” at nawala
ito.
Naiwan ang sanggol kina Cristy Mae at Ruel,tignan nalang natin sa mga susunod
pang kabanata kung paano nila aalagaan ang kawawang bata.
Aha! Isang tribo nga ang bumihag
kina Shahani,Nancy,RJ at Kirk. Lulutuin na sana sila ng dumating ang pinuno.
“Nay gna
gnita asesnirp” ang sambit nito, sabay turo kay Shahani.
Lumapit
ito. Natumba si Shahani at sinabing…
“Noli me
Tangere! Noli me Tangere!” (Touch Me Not)
Ngunit
patuloy pa rin sa paglapit ang “animal”.
“Mama ko ya!
Palayo ‘to animal ka!”
Umiyak ng umiyak si Shahani. Nang imulat
niya ang kanyang mga mata, ang mga “animal” ay nakaluhod na sa harapan niya.
Isa sa mga ito ay naglagay ng korona sa ulo nina Sahani at RJ.
“Sa palagay
ko ay itinuturing nila kayong hari at reyna.” Naniningkit sa inggit ang mga
mata nina Nancy
at Kirk.
Binigyan sila ng sarili nilang
upuan.Pinakamasaya sa lahat si Kirk dahil binigyan pa siya ng damit
pambabae.(Alam siguro nila ang wish nito.KIRK, NO OFFENSE!)
“Hay, kung
ganito ang buhay ng isang bihag dito, hinding-hindi na ako aalis!” Pagpapasalamat ni Nancy.
Nakatulog ang apat. Hindi nila nakita
ang pag-uusap ng tribo. Ano kaya ang binabalak nila?
Balik tayo kina Ac, Nico, Joevic, Michael at sa Ninja.Nakarating sila sa
sinasabing templo nitong Ninja. Sa loob ay makikita mo na ang mga nakatira ay
puro matatanda(70 above) at bata (10yrs. & below).
“Bakit
hindi kami nakakakita ng kasing edad mo?” Pag-uusisa ni Joevic.
“Silang
lahat ay nabihag na ng tribo ni Linlang. Pinapakain sila ng isang halaman at
ngbabago sila ng anyo. Ang mga bata ngayon ay sinisimulan nang turuan,nang sa
ganun, ay may lakas na silang labanan si Linlang o Dilim”.
“Dilim? Sino
naman ‘yun? Tanong ni Michael.
Saturday, June 19, 2010
"ALAALA" Chapter1: Simula
Isang grupo ng mga kababaihan at kalalakihan ang nagrepresenta sa kanilang paaralan na pumunta sa Jumon Island. Sila ay mula sa klase ng III-1 ng R.T.N.H.S. Sina Ruel(pato!),CristyMae(pato rin!),Ac(muta!),Joevic(tanda!),Kirk(inensce!),Nancy(asset!),Ryan Janoya(may maidadagdag ka pa ba?),Nico(mommy!)at Shahani(ngek!)O,kilala niyo na sila.
Ngayon pumunta naman tayo sa kwento.Pinadala ang grupong ito upang tignan kung sila ba (na kabataan ngayon)ay makaka-survive sa lugar na tinatawag nilang …..”LUNGSOD NG KAHIWAGAAN”
Sa araw ng kanilang pag-alis,isa-isa silang sinundo patungo sa Airport.
Sa Airport…
“Ano ba naman ‘to bakla,wala man lang akong nakikitang guwapo!”ang inip na sabi ni Joevic.
“Hay bading,kung ako sa’yo,magrerelaks nalang ako!”sabad ni Kirk.
Na-delay kasi ang flight kaya naiinip na lahat lalong-lalo na ang mga “binabae”. Kaya ng makasakay ng eroplano ay excited ang lahat,alam nilang magiging masaya ang “fieldtrip”na ito. Oo nga,pero hindi nila alam kung ano ang naghihintay sa kanila sa …Jumon Island.
Pagbaba nila sa eroplano,ay may nakaparada agad na dalawang van na may banner ng kani-kanilang pangalan.
“I feel like Britney Spears!Thank you people!mwah!mwah!”Pag-iilusyon ni Nancy.
“Uuwi na ako! Mommy!”Ekrat ni Nico.
“Actually, akin ‘to at ang mga taong ‘yan ay mga tauhan ko,kaso binigay ko nalang sa kanila ang airport kasi naaawa ako”pagmamayabang ni milyonaryong Ryan Janoya.
“Cristy Mae, sinusundo ka na ng asawa mo.”Sabi ni Ruel, sabay turo sa driver na kalbo at nakakatakot ang titig.
“Ruel,ikaw ang hinahanap ng mga ‘yan!Pinapatawag ka ,para palitan na daw ‘yang diaper mo!”balik ni Cristy Mae.(ANG DALAWANG ‘TO TALAGA,KAHIT SAAN MAN MAGPUNTA,AWAY NG AWAY!)
“Utot!Tayo na at inip na inip na ang mga driver sa’tin.”ang sigaw ni Ac.
Nahati ang grupo sa dalawa dahil dalawa din naman ang van,’di ba?Sa unang van,na ang nagda-drive ay ‘yung kalbo na ang kamukha ay si “kuba” sa horror movie nakasakay sina Joevic,Kirk,Shahani at Nico.
”Ano ba naman Kirk,bakit dito pa tayo?”bulong ni Joevic.
“Oo nga,sana du’n nalang sa kabila,guwapo pa ang nagda-drive!”sagot ni Kirk.
“Mommy!Mommy!”pangungulit ni Nico.
“Ano ka ba Nico,ang aga-aga,ang ingay ingay!Hindi ako ang Mommy mo,noh!”galit na sabi ni Shahani.
Samantala…sa kabilang van,nakasakay sina Ac,Ruel,Nancy at Ryan J.
“Cris,tignan mo,kamukha ni Sir Bryan ‘yung driver.”sabi ni Ac.
“Oo nga,baka si Sir ‘yan,bago na pala ang trabaho niya?Hehehe.”
Kaya naman napagpasyahan ng dalawa na kausapin ito.
“Mamang driver,ano po pangalan niyo?”tanong ni Ac.
“Bry ang pangalan ko,Yan ang apelyido.Pero ‘di kami magkamag-anak ni Rico Yan.”sagot nito.(corny!corny!corny!)hahaha
“Alam niyo,kamukha po ninyo yung isang titser du’n sa’min,as in carbon copy.”
“Mula kayo sa Negros ‘di ba?’Di pa ako nakakapunta du’n at dito ako ipinanganak at lumaki.”sagot nito.
Nagkatinginan nalang ang dalawa.
Nang dumating na sila sa isang lumang bahay…
“Haaay!Salamat!Carefree at last.”pasalamat ni Kirk.
Sa kabilang van naman,bago sila makababa ay may sinabi si Bry Yan.
“Siguraduhin niyo na hindi kayo magkakahiwa-hiwalay.Huwag kayong pumunta sa mga lugar na bawal.”ganun lang ang sinabi at tumahimik agad ito.Nagpasalamat naman ang grupo at ang dalawang sasakyan ay umalis na.
Sa unang tingin mo sa bahay ay maninindig talaga ang balahibo mo,parang may kahiwagaang bumabalot rito.
Isang matandang babae na bungi at may napakahabang buhok ang bumukas ng pinto.
“Tuloy kayo mga bata,ituring niyong inyo ang bahay na ito.”ang sabi ng matanda.
“Manang,gusto niyong magpa-hairdo?Marunong po ako.Hali kayo at gupitan natin ‘yang buhok niyo.”sulpot ni Joevic.
Tumalim ang mga mata ng matanda , pero pagkalipas ng ilang sandali ay lumambot din.
“Huwag na apo,wala akong pambayad.”
“Hay naku,’wag niyo nang problemahin iyon! Fifty pesos lang po!”pangungulit nito.
Hindi siya pinansin ng matanda.Nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa kusina.
”Kumain na kayo,at mamaya ay ipapakita ko sa inyo kung saan kayo matutulog.”sabi nito.Isang kuwarto lang ang ibinigay dahil”harmless” naman daw ang mga lalake.
Isang araw ang lumipas,maayos naman ang naging lagay nila.Ngunit kinagabihan…
“People!May nadiskubre ako.Yung toilet paper pala sa banyo,’pag na i-push mo ay may lagusang lumalabas.Punta tayo du’n!”yaya ni Shahani.
“Cge!”sagot nina Nancy,Cristy,Joevic,Kirk,Ryan J. at Ruel.
“Ayoko,natatakot ako eh.”ang sabad naman ni Ac.Tumango din si Nico.
"Dapat nga face your fears!Gusto mo tawagin ko pa si *tooot*?”ang sabi ni Nancy.
“Ok,fine!Pero ‘wag niyo akong sisihin kapag may nangyaring masama ha!”
At umalis ang grupo patungong banyo.Nang papasok na sila….
“Ano’ng gagawin niyong lahat diyan sa banyo?”ang biglang pagsulpot ng matanda.
”Ah,eh,manang experiment po namin kung magkakasya kaming lahat sa ganyan kalaking banyo..Mali nga po kami e, matutulog nalang kami.”pagsisinungaling ni Ryan J.
“Sige,nang sa ganun ay maaga pa kayong magising.Managinip sana kayo ng maganda.”pagkasabi nito ay humalakhak ang matanda.
Pagdating sa kuwarto….
“Duh!That matanda is so weird ha!Isama mo pa ‘tong bahay na’to!sabi ni Ac.
“Alam mo,wala kang sense for adventure!Mabuti nga ‘to exciting!Heeee!”sabad naman ni Kirk.
“Teka,alam niyo,napapansin ko lang ha,inaagawan niyo ako ng linya eh!Wala na akong masabi.”reklamo ni Nico.
”Pano,mommy ka nlang ng mommy dyan eh!Grow up!”depensa ni Cristy Mae.
“Basta,hindi tayo titigil hangga’t hindi natin nadidiskubre kung saan patungo ‘yung lagusan.”ang determinadong sabi ni Ruel.
Nagtipon-tipon ang grupo at gumawa ng plano.
Kinaumagahan,may ‘di inaasahang pngyayari.Nasa kagubatan ang grupo(sa likod ng bahay,malayo-layo nga lang ng konte) nagtatanim sila ng mga punong kahoy ng…
“Look.it’s a plane!”sabi ni kirk.
“No.it’s a bird!”balik ni Nancy.
“No,it’s…it’s…it’s
“They don’t knoooowww…”isang tinig ang narinig.
“Michael!” sigaw ng lahat.
“Excuze me, I am Presideeeent Glow-rya Arro-ro!” tumakbo si Michael sa mga kasamahan at nagtatatalon silang lahat.
“Pinilit nila akong sumunod dito,dahil kulang pa daw kayo ng isa.”paliwanag ni Michael.
Kaya naki-join ito sa tropa.Kinagabihan…ginawa ang plano.Tiniyak nilang wala ang matanda.Pumunta ito ng palengke upang mamili ng ipangluluto para sa susunod na araw.Napagkasunduan ng grupo na si Ruel ang mamuno.nakapasok nga sila sa lagusan,isang madilim na ‘tunnel’ ang tumambad sa kanila.Dahil wala silang dalang flashlight,kinapa nalang nila ang pader.
“Aray!sino ba ‘yang naka-apak sa paa ko?”ang galit na tanong ni Crity Mae.
“Ay,sorry.Ako ‘yun.”Hiyang sabi ni Nico.”Ayos ka lang ba Cris?”pag-aalalang tanong ni Ruel.
”Uuuuyyy!Kayong dalawa ha!Nagkaka-developan na”panunukso ni Ac.
”Tse!”galit na sabad ni Cristy Mae.
Hindi man nakikita sa dilim ngunit pinamulahan ng mukha ang dalawa.Nakarating sila sa dulo at isang lumang pinto ang nakita nila.Binuksan ito ni Ruel at pumasok silang lahat.Nabigla sila ng makita kung sino ang naghihintay…Ang matandang babae!!
“Kanina ko pa kayo hinihintay.Napatunayan ko na ang mga kabataan ngayon ay puno ng kuryosidad.Pagsubok ang hinihingi niyo? Puwes,ibibigay ko sa inyo.” Ang sabi nito.
Tinangka ni Nico na buksan ang pinto ngunit ang pintong kahoy ay naging apoy.
“Wala na kayong magagawa kundi ang pumayag sa aking pagsubok.”
“Waaaahhhh! Isusumbung kita sa mommy ko!” iyak ni Nico.
“Kung makakalabas ka pa rito,Rico.”ang sabi ng matanda.
“La,Nico po.” (McDo commercial.. La.karen po)
“Sige,pumapayag na kami.” Ang sagot ni Ruel.
“Ruel pumapayag ka na? huwag kang maniwala sa matandang ‘yan! Aswang siya!” sulpot ni Nico.
“He!Stop that nonsense!Anyways,sa likuran ko ay may tatlong pinto.Isa sa mga ‘yan ang labasan.Ang dalawa naman ay tungo sa katapusan.Pumili na kayo.”
Nagtipon-tipon ang tropa at nag usap-usap.
“Napagkasunduan naming piliin ang pinto sa gitna.”
“Sige,ngayon,pumasok na kayo.Goodluck.”pahabol ng matanda.
Pero bago pumasok ay nasabi ni Ruel…
“No guts,no glory.Kaya natin ‘to!” at nagpatuloy nga sila.
Nasa isang kagubatan na sila ng makalabas ng pinto.
“Tamang pinto kaya ‘to?”tanong ni Ac.
Nang tumalikod sila ay nawala nalang bigla ang lagusan. Wala silang nagawa kundi maglakad hanggang makakita ng puwedeng hingian ng tulong.Sumapit ang tanghali…
“Ayoko na!Maawa kayo,pagod na’ko!Magpahinga muna tayo!” angal ni Joevic.
Nagpahinga sila sa tabi ng isang malawak na lawa.
“Anong plano ngayon?tanong ni Michael sabay hagis ng bato sa lawa
“PLOP!CLICK!” (lesson ta ky sir mendones)hehe
Lumiwanag ito.Nang dumilat sila ay mayroon nang babae na nakatayo sa gitna ng lawa.
“Bakit niyo ginulo ang beauty rest ko? Tanong ng babae.
“JOAN???!!!” sigaw ng lahat.
“Anong joan?Ako sa Yume.Tagapagbantay ng lawang ito.”sagot ng babae.
“Patawad,kamukha mo kasi yung isang kaklase namin.”ang sabi ni RJ.
“Kailangan kasi naming ng gabay,kung paano makaka-alis sa gubat na ito.Para malaman namin kung tama ba ang pintong nilabasan namin.” Pagsusumamo ni Nancy.
“Hindi niyo ba alam na ang nakakapasok sa lugar na ‘to ay hindi na nakakalabas?” tanong ng diwata.
“Ok,dahil ako ay mabait,sundan niyo ang daanang ito.” Itinuro niya ang isang madilim at masalimuot na daan.
“Ngunit mag-ingat kayo dahil hindi lahat ng daanan ay madali.Tandaan niyo ‘yan.”
At naglaho ito…Sa pagpapatuloy nila,nakasalubong sila ng isang matandang babae.Umuungol ito na para bang humihingi ng tulong.
“Mga anak,tulungan niyo ako.Sinalakay ako ng isang hayop.”
Pinakita nito ang napakalaki at madugong sugat.(“Ang yuck naman nitong si manang,ipakita ba naman ang duguang sugat.”)bulong ni Kirk).Dahil naawa sila,tinulungan nila ang matanda at pinakain ito.Pagbalik nila mula sa pangangahoy,ay wala na ito.
“Ano ba naman ‘yun’wala man lang utang na loob!” si Kirk nanaman.
“Hayaan niyo nalang siya….. Makakatikim sa’kin ‘yung matandang ‘yun eh!Tinapay ko pa ‘yung kinain! Walanghiya! Pigilan niyo ko,pigilan niyo ‘ko,hahanapin ko talaga ‘yun.” Sabi ni Michael. Nang walang pumigil ay tumahimik ito.
“Puwede na siguro tayo dito magpalipas ng gabi.”
Gumawa sila ng apoy at inihanda ang kani-kanilang higaan.Mabuti nalang paglabas nila sa pinto/portal ay may dala-dala na silang mga bagahe. Napakahiwaga talaga ng lugar na ‘to.Hindi akalain ng ating mga bida na mangyayari ito sa kanila.Nakatulog ang grupo sa gitna ng kanilang pag-uusap. Hatinggabi…
“Awwwoooohhh!!!”
Maririnig mo ang awwwooohhh ng isang lobo.Alam naman nating lahat na si Ac ang pinakamatatakutin sa grupo.Nagising siya.Matutulog na sana siya uli ng. . . . .
“Huhuhu. . . .”
May narinig siyang iyak ng isang babae.Sinundan niya ito.Nakarating siya sa isang malaking puno ng balete. Nakita niya na may isang babae na nagtatago.Nang tignan niya ito. . .
“Lyka???!!!!” Napatawa lang si Ac ng makita kung sino ang babae.
“Where’s my baby?!Give my baby back!” sigaw nito.(piece ni Lyka sa english4, kay ms.marba)
“Lyka,kung gutom ka,sabihin mo lang ! ‘Di mo na kailangang umarte noh.Sumunod ka rin pala.Mabuti nalang at nakita kita.” Ang sabi ni Ac.
“Give me my baby!” sigaw uli nito.
Nang lalapit na si Ac,biglang naningkit ang mgaq mata nito at si “LYKA” ay na ging nakakatakot na halimaw.
“Aaaahhhhh!” sigaw ni Ac ng damputin siya ng halimaw.
“Lyka naman parang others ka,wala naming halloween party dito nagdala ka pa ng costume! Hubarin mo na ‘yan.Mamaya makita ka ni papa Roger na ganyan ang itsura.” Pagpapatuloy ni Ac.
“Ay.oo nga pala.May date pa nga kami.Salamat sa pagpapa-alala.” sabi nito at bumalik ito sa tunay na anyo at umalis.
“Swwiiisssshhhhh!” isang ispada ang tumama sa kahoy. Isang. . . .NINJA ang nagligtas sa kanya!
Lumapit siya kay Ac at. . .
“Ayos ka lang ba?” tanong nito.
“Oo.Actually,wala na ang halimaw eh.Kanina pa umalis.May date.” Sabi ni babae.
“Ah. . . Hehe.”Napakamot nalang ito sa batok.
“Hindi ka dapat gumagala sa lugar na’to kapag nag-iisa ka lang.Lalo na kapag gabi.Pero tandaan niyo na kapag kayo’y nasa kagipitan,laging may tulong na darating.Mababait kayong mga nilalang,alam ko.”tapos ay umalis na ito.
Naiwan siyang nakatunganga.At biglang dumating ang kaniyang mga kasama.
“O,anong nangyari sa’yo?” tanong ni Ruel.
“Aaaaayyyy!” sigaw ni Nancy.
“Ikaw ba ang pumatay nyan?” pagkamanghang tanong ni Shahani.
“Hoy,hindi ah…’yung Ninja ‘yung may kasalanan.” Sagot ni Ac.
“Bakit niyo naman ginanyan ‘yung puno?It’s hurts in them.” Sabi ni Nancy.
“Eh bakit nakatunganga ka pa diyan?” tanong ni RJ.
“Kasi…kasi…hindi ko man lang nakita ‘yung mukha niya!Waaahhh!Alam niyo,ang cute pa naman ng mga mata niya!Hindi ko man lang nalaman name niya!Ninja kasi siya.Alam niyo ‘yun,you know!” si Ac
“Hay,mahirap talaga ‘pag kabilugan ng buwan.Nagiging sira ulo ang mga tao dito.” Sabi ni Nico.(nagkalinya gd man xa sa story ba!)
At naghanda nalang ang grupo para sa muling paglalakbay.
Dapit hapon. . . Magkasamang naghanap ng pagkain sina Shahani,RJ,Nancy at Kirk.Ngunit sa kanilang paghahanap ay nabihag sila ng mga nilalang na hindi nila alam kung mga tao.
Subscribe to:
Posts (Atom)