'Ambisyosa kang bakla ka.this is a tagalog story.TAGALOG!'
At binatukan ni Joevic si Nancy.
'Isa ka pa! Tagalog nga eh!' sambit nito.
Ngingiti-ngiti lang si Nancy, samantalang si Kirk ay parang walang pakialam sa mga nangyayari sa paligid nya. Nakita niya muli 'ito', at 'di niya maipagkakaila sa sarili ang takot na nadarama.
Ilang taon na rin ang lumipas mula ng unang maranasan ito ni Kirk,ang makita ang mga bagay-bagay na hindi nakikita ng normal na mga mata. Nasanay na si Kirk dito, ngunit isang pangyayari ang bumago sa lahat. Mga matang nanlilisik sa galit, namumula, nag-aapoy. Kahit sa panaginip lamang ay hindi mo mapipigilang hindi matakot, sapagka't kapag tuminigin ka sa mga matang iyon, para bang hinihigop niya ang kasiyahan at natitirang buhay na mayroon ka. Pilit kinalimutan ni Kirk ang panaginip na iyon,at nagtagumpay siya....until now.
'Guys, tara sa pool, mag-unwing tayo, mukhang masaya dun,maraming slides at iba pang water activities', yaya ni AC.
'May mga dolphins ba? Eh whales?' pagsisisyasat ni Nico.
Sorry Nic, mukhang abala na ang lahat sa paghahanap ng kani-kanilang swimwears at 'di ka narinig.
At makalipas ang ilang minuto, handa na nga ang lahat para maligo, ngunit si Kirk ay mukhang wala pa rin sa sarili. BINATUKAN, TINADYAKAN, SINABUNUTAN na ito nila Joevic at Nancy pero,walang naging epekto sa pagiging tulala nito,kaya napagkasunduan nilang i-wheelchair nalang ito papuntang pool..at inihagis. (joke!haha)
Hindi inasahan ng lahat na magiging ganun ka saya ang napagkasunduan nilang paliligo ng sabay...sa swimming pool nung araw na iyon. Kaya naman, kahit mukhang kamatis na sa pamumula ang mga mukha, ay sige pa rin sila ng sige. Gabi ma ng maisipan nilang umuwi.
'Bili tayo ng Redhorse', sambit ni Kirk.Tinignan ito ng lahat.
'May problema ka ba?' pag aalalang tanong ni Shahani.
'Wala. Naisip ko lang, na mas mainam na magpakasaya tayo habang tayo'y kumpleto pa..este,dahil kumpleto tayo.' sagot nito habang nakatingin sa malayo.
Minsan, sa ating buhay, hindi maiwasang maramdaman nating tayo ay nag-iisa gaano man karami ang mga taong nakapaligid sa atin. 'Yan ang nararamdaman ngayon ni Kirk.
Lasing na ang lahat ngunit si Kirk ay nanatiling gising at nakahanda.
'Alam mo Kirk, tingin ko adik ka. Tignan mo naman, lasing na kami,pero ikaw, adik ka talaga!' sambit ng nakahigang Cristy Mae.
Napangiti lang si Kirk habang pinagmamasdan ang kanyang mga kasama na wala na sa kanilang mga katinuan, at napaisip ito..
'Ganito ba ang tunay na mga kaibigan? Magkakasama kami ngunit parang hindi nila nararamdaman na may problema ako.Ganito ba kababaw ang ilan taon naming pagkakaibigan? Nakakalungkot isipin.' Napangiti nanaman si Kirk, ngunit sa pagkakataong ito,walang halong kasiyahan ang ngiting iyon.
Kakahuyan..Siya ay nasa isang madilim na kakahuyan.
'Pa'no ako napunta dito?' sambit ni Kirk.
Isang malakas na halakhak ang narinig niya bilang sagot. Halakhak na nagpapahiwatig na dapat ng matakot ang nakakarinig nito.
'Ikaw?? Pero.. Ano ba talaga ang kailangan mo?' sigaw nito.
*halakhak* 'Masyado ka namang nagmamadali. Kumusta ka na kaibigan?' sagot ng anino.
'Pwede ba? 'wag ka ngang tumawa! at ano ba talaga ang kailangan mo? 'wag ka nang magpaligoy-ligoy pa,' sambit ulit ni Kirk.
'Sampung taon na naman ang lumipas,Monera. Siguro naman hindi mo na kailangan pang tanungin kung bakit ako nandito,' ngiti ng anino.
' Oo nga pala,tuwing ika-sampung taon, pumupunta ka sa ibabaw ng mundo upang kumuha ng anino ng puso ng tao.'
'Congratulationsss!' pagbati ng anino sa kanya.
'O,sige,heto at kunin mo na nag puso ko! 'Yung anino pala ng puso ko! Nakakapagod na,alam mo ba yun?'
'At bakit mo naman naisip na kukunin ko 'yan,kakambal ko? Oo,hanggang ngayon ideni-deny mo pa rin sa lahat 'yan! Pero parte ako ng pagkatao mo,sa ayaw mo man o gusto. Ang kasamaang di mo mai-aalis.' ang anino.
'Ikaw lang ang masama, hindi ako! Alam mo namang hindi kita ide-deny kung mabuti ka langang hangarin mo. Natatandaan mo pa ba? noong tayo ay apat na taong gulang pa lang? Lumabas na kabaklaan mo nun, sumasayaw ka pa nga ng 'I will survive', pero pinagtanggol kita da mga nanukso sa'yo!' si Kirk.
'Sssh! Kahit pala ngayon eh madaldal ka pa rin. FYI, 'Dancing queen' yung sinayaw ko. Hetong sa'yo!' *Oomp* sigaw ng anino.Ngunit nakailag si Kirk.
'Hoy! Tekaha, madaya ka! Eh kung natamaan yung mga kaibigan ko? Teka nga lang' si Kirk.
At dali-daling kinaladkad ni Kirk ang mga kaibigan nito hanggang sa likod ng isang malaking bato.
'Aaah! Buhay pa kaya ako pagkatapos kong kaladkarin sina Nancy at AC? Lumalabas na mga veins ko sa leeg,gosh!'
'Naku,hanggang ngaon pala eh coco martyr ka pa rin? Eh wala naman pakialam sa'yo 'yang mga yan!' balik ng anino.
Napayuko si Kirk. Napatingala. Napatingin sa malayo. And his eyes started to to shimmer..with tears.
' I believe minna o yaruminasai kimi wa amai yume darou,' sabad nito.
'In English?' tanong ng anino.
'Endeavoring Pain,' si Kirk. (not the real translation,I just made it up.hehe)
'Duh, anong konek?' ang anino.
'Talagang hindi mo maiintindihan meaning nyan, bakit, ikaw ba si Kirk Vincent Montinola??' si Kirk.
'Bakit, sinabi ko ba??' ang anino.
At 'yun nga, nagsimula na silang magbangayan. The End.
Joooooke! Joker talaga ako ano?tsk. Habang abala ang dalawang baklita sa pagbabangayan, isa-isang nagising ang magbabarkada. Unang tumayo si Ruel. Bilang leader ng grupo, nasa puso at isip niya ang maging listo sa lahat ng oras.
'Giorgio! Giorgio! Pahiramin nyo ako ng cellphone,at itetext ko si Giorgio!' sambit ng lasing na si Cristy Mae.
'Sumigaw ka pa 'dyan at gugulpihin na kita!' sabad ni Ruel.
*....chirp! chirp! KATAHIMIKAN chirp! chirp!....
'Very good,' sabi pa ni Ruel. Narinig niya ang pagbabangayan at sumilip ito.
'Guys! Gising! Mukhang kailangan tayo ngayon ni Kirk.May kalaban,magsipaghanda kayo.' si Ruel.
'Kaya na 'yan ni Kirk. Teleserye!' sagot ni Ryan J.
'Nakalimutan nyo na ba nung mga panahon na wala tayong maiinom? At si Kirk ang nag-igib para sa atin ng tatlong dram ng tubig? Nung mga panahong bored tayo,diba si Kirk ang nag skit mag isa para lang mapatawa tayo?' si AC.
'In short, inalila natin si Kirk.' sambit ni Shahani habang umaagos ang kanyang mga luha.
' Ngayon tayo dapat magkaisa,' si Nico.
'Ipakita natin sa kanya na hindi lang alila ang role niya dito.' si Michael.
'Na tayo ay mga tunay na kaibigan na laging nandyan umulan man o umaraw,' si Ruel
'Tamaaaa!' si Joevic.
Nag-usap ng masinsinan ang grupo. *pssh..psshh..pshh*
'Tama na!' galit na sabi ni Kirk.
'Ano,pagod ka na?Hahaha.' ang anino.
'Naubusan na ako ng sasabihin,' si Kirk.
'Binuhay nyo ang katawang lupa ko! At dahil dyan, kukunin ko na ang kailangan ko.' ang anino.
'Alam mo Anino, si Kirk ay mabait na tao. At dahil kapatid ka nya, alam naming may kabutihan din dyan sa puso mo.' si Shahani.
'Oo nga, 'wag na nating idaan 'to sa dahas. Pero kung gusto mo, ibang dahas nalang ang gawin natin.' si Michael.
Napayuko si Anino.
'Tama kayo,mali ako. Pasensya na. Gusto ko lang naman kasi protektahan ang kakambal ko. Ang akala ko eh, pinababayaan nyo sya,' ang wika pa nito. At ipinakita ang tunay na anyo.
'JOSUE??' sigaw ng lahat.
'Huh? Jojo ang pangalan ko,pasensya na talaga. Ngayong alam ko na ang tunay an kalagayan ni Kirk, mapapanatag na ako.Paalam!' at nawala ito.
'Sayang, hindi sya pumayag sa DAHASSS!' maluha-luhang sabi ni Michael.
'Michael..uhmm..ako,payag,' sabad ni Joevic.
At nagtawanan ang magkakaibigan. Bumalik sila ng hotel na kinakaladkad si Kirk, dahil sa sobrang touched nito sa ginawa ng grupo,eh walang tigil ito sa kaiiyak habang nakahandusay sa lupa.
xoxo, -c.
No comments:
Post a Comment